by Ryan Sandagon
01/04/03
Julie
Nabasa ko iyong sulat na iniwan mo sa table ko.Sino ka ba talaga? Paano ka nakakapasok sa kwarto ko tuwing gabi? Okay lang namang maging magkaibigan tayo, kaso nawiwirduhan lang talaga ako.
Me pasok pa akong maaga bukas kaya matutulog na ako. Iwan ko itong liham dito sa table baka mabasa mo.
P.S. Me tinira akong tinapay at buko juice sa kusina baka gutom ka (sakaling bumalik ka).--Ry
Ry
Salamat sa midnight snacks. Salamat at gusto mo din akong maging kaibigan.Malamang nagugulat ka sa mga pangyayari.Di mo kelangang iwang bukas iyong pinto mo.Mamaya baka me magnanakaw pang makapasok,tulog ka pa naman.
Gusto mo nga pala akong makilala? Julieta buo kong pangalan (di na kelangan ng apelyido). Medyo gabi akong gising kaya malabong magkita tayo.Nakatira lang ako sa malapit.
Wag ka ng magpakilala.Marami naman na akong alam sayo; 9:00pm kang natutulog,college student ka, at wala ang boardmate mong si Aris dahil umuwi siyang Zambales...Loner ka rin...gaya ko.
galing kong stalker no?
PS Wala pa pala akong BF :)
Julie
Nagulat ako sa PS mo. Tsaka okay lang naman kahit di mo ibigay yung surname mo.Salamat uli ha?At least me kakwentuhan na ako.Sana magkita tayo.
PS wala pa akong GF :p --Ry
03/13/03
Julie,
Lampas isang buwan na tayong nagsusulatan. Pwede ba tayong magkita? Natutuwa kasi ako sa mga sulat mo,parehas tayo ng idea sa lahat ng pilosopiya sa buhay.Mas masaya siguro kung kwentuhan ng personal.
Alam mo bang peak ng araw ko iyong pagbabasa ng sulat mo.
Sana wag kang magagalit sa itatanong ko...hmmmm..pwede bang kahit sa sulatan maging "tayo"? I mean, nagkakaintindihan naman tayo di ba? Tsaka romantic yung idea.hehehe.Please wag kang magagalit.--Ry
Ry,
Naiyak ako sa sulat mo.Tinitigan kita sa pagkakahiga mo sa iyong kama.Di kita pwedeng gisingin,baka...mawala ako.
Mahal kita...pero hindi ka magiging maligaya sa akin.Kelangan nating magisip.Di muna kita guguluhin...Kelangan nating magisip..paalam.--Julie
03/14/03
Julie,
Bakit di pwede?Nagmamahalan naman tayo? Mahal din kita Julie.--Ry
03/15/03
Julie
Natagpuan ko iyong liham ko sa table ngayon.Malamang di ka nga dumaan kagabi.Pero kung sakali mang mabasa mo ito...Mahal kita Julie.Mahal na mahal.--Ry
03/31/2003
SHIT! SHIT! Anong problema ko? Ayaw mo ba sakin.Isang buwan na akong nagsusulat ng ganito.SHIT...SHIT!.SHIT!..Pagod na akong nagigising na nakikitang di nagagalaw ang mga sulat ko.Kung mawawala ka sa akin MAWAWALA AKO SA SARILI KO!--Ry
Ry
Mahal kita...kalimutan mo na ako...--Julie
04/01/03
Julie,
Bigyan mo ako ng magandang dahilan.--Ry
Ry,
Di ka ba nagtataka kung bakit di pa tayo nagkikita? Kung bakit hanggang 9:00pm ka lang gising?Kung paano ako nakakapasok sa kwarto mo kahit naka-lock ang pinto.
Kasi nagigising ako ng 9:00pm hanggang sa magising ka.
Ikaw ako Ryan
Masyado kang nag-iisa kaya nabuo ako
Ginawa mo ako..sa utak mo.
Mahal kita kaya ginawa ko ito.Kalimutan mo na ako--Julie
04/02/03
Julie
Kalukuhan ito...hindi ako schizo...
Pero kung mahal mo ako't totoong sinasabi mo,magkikita tayo mamayang 9:00pm. Tatapat ako sa salamin...at sabay tayong maglalaho.
Medyo masakit ang paglaya natin
Blade sa pulso.
Mahal kita...
Mahal kong sarili ko
END
No comments:
Post a Comment